IVANA NA-IMPRESS KAYA BIBILI NG FARM MASBATE

NI GERRY OCAMPO

NAG-THROWBACK si Ivana Alawi sa kanyang nakaraan bilang artista sa latest YouTube vlog nito.

Hindi raw siya makapaniwala na ang dating pa-extra-extra lang noon ay bida na ngayon sa series na “A Family Affair.”


“Dati, di ba, ano lang tayo, pa-extra-extra?” say ni Ivana sa kanyang PA (personal assistant).

“Na-shock kami sa ano, ganito pala ‘pag nagbibida.” dagdag pa niya.

Sabi ng PA niya, dati raw ay apat na sequences lang si Ivana sa isang araw sa mga proyekto nito.

“Hindi na kami nagto-throw-lines kasi ang igsi ng lines ko. Naninibago nga kami. Pero masaya,” kuwento ni Ivana.


Balik-tanaw pa ni Ivana, dati raw ay nasa isang tabi lang sila ng kanyang PA sa taping at naghihintay ng tawag.

Pagkatapos, tatawagin siya ng production staff na hindi pa siya kilala dahil magtatanong pa ito kung sino si Ivana.

Kaya say ni Ivana sa nararanasan niya ngayon: “God is good.”

Sa Masbate naka-lock in taping si Ivana para sa serye kasama ang apat na aktor na sina Gerald Anderson, Jameson Blake, Sam Milby at Jake Ejercito.


Bago umuwi, nag-vlog muna si Ivana para ipakita ang naturang lugar sa kanyang subscribers

Dahil sa super-ganda ng lugar, nag-enjoy si Ivana sa Masbate kung saan nagpunta siya sa isang malaking farm at ipinamalas ang galing niya sa pagho-horseback riding.

Pangarap nga raw niya magkaroon din ng sariling farm at gusto niyang bumili ng property sa Masbate.

“Naghahanap kami ng ano, sabi ko nga, gusto kong bumili ng lupa rito sa Masbate kasi sobrang ganda. Saka nakaka-relax `yung lugar. Aside from that, sobrang bait ng mga tao,” say ni Ivana.

Sa pagbabalik daw niya sa Masbate, isasama na niya ang kanyang buong pamilya.

Knowing Ivana, number one sa kanya ang pagmamahal sa pamilya bago ang lahat.

Tags: Ivana Alawi

You May Also Like

Most Read