Latest News

IVANA ALAWIN IBINULGAR ANG KINIKITA SA YOUTUBE

By: Beth Gelena

BINANGGIT na ni Ivana Alawi kung magkano ang kinikita niya sa pagba-vlog.

Marami na kasi umanong nagtatanong sa kanya, kaya nagbigay ng ideya ang sexy actress sa kanyang followers.


Ayaw daw sana niya itong sabihin dahil baka kasi isipin ng iba na siya’y nagyayabang.

Pero dahil lagi itong tinatanong sa comment section kapag may bago siyang uploaded video.

And this time nga, sa pinakabagong video sa kanyang YouTube channel ay sinabi niyang: “Usually may P200,000… P300,000… P400,000… P500,000. Pero guys, nagbabayad naman ako ng tax. BIR kumusta you? Nagbabayad talaga ako ng tax kaya wala akong kinakatakot.”


“Pero hindi ko alam kung gusto kong i-disclose baka isipin niyo nagyayabang… hindi!. Pero dahil tinatanong nyo nang tinatanong, ayan okay.”

Isa si Ivana sa mga popular na vlogger sa bansa.


Sa ngayon may 16.6 million subscribers na siya sa YouTube kaya hindi nakakapagtataka kung ganoon kalaki ang kinikita niya.

Isa rin siya sa may mga pinakamaraming subscribers sa bansa.


Tags: Ivana Alawi

You May Also Like