Ivana Alawi No. 6 sa ‘100 Most Beautiful Faces of 2022’

Nasa ikaanim na puwesto ang actress-vlogger na si Ivana Alawi sa “The 100 Most Beautiful Faces of 2022,” ayon sa listahang inilabas ng TC Candler at ng Independent Critics.

Ang American model at dating Victoria’s Secret na si Angel Jasmine Tookes, na pumuwesto sa ika-siyam sa 2021 rankings, ang nanguna sa 2022 list.

Sinundan siya ni Nancy ng MOMOLAND at Lisa ng BLACKPINK para sa pangalawa at pangatlong pwesto, ayon sa pagkakasunod.


Ito ang ikatlong sunod na taon na napabilang si Ivana sa listahan.

Nasa ikaapat na puwesto siya sa 2021 rankings.


Ang iba pang Filipina beauties na nakapasok sa 2022 rankings ay ang aktres na si Liza Soberano, na pumuwesto sa ika-23 sa kanyang walong paglabas sa taunang listahan, ang aktres na si Janine Gutierrez, na nasa ika-51st, at ang vlogger-singer na si Bella Poarch, na nasa ika-80 na pwesto.

Kabilang sa iba pang personalidad sa top 100 ang Hollywood stars na sina Lily Collins, Margot Robbie, Emma Watson, Emilia Clarke, Gal Gadot, at K-pop idols na sina Jennie ng BLACKPINK, at Sana ng TWICE.


Gayunpaman, walang lalaking Filipino personality ang nakapasok sa listahan ng “100 Handsome Faces of 2022.” Unang niranggo ang British actor na si Henry Cavill.

Ayon sa website nito, inilathala ng Independent Critics at TC Candler ang taunang listahan mula noong 1990, na may higit sa 40 bansa na kinakatawan sa mga ranggo nito.

“Ang aesthetic perfection ay isa lamang sa mga pamantayan. Grace, elegance, originality, mapangahas, passion, class, poise, joy, promise, hope…they are all embodied in a beautiful face,” ayon sa TC Candler.

Tags: Ivana Alawi

You May Also Like

Most Read