Latest News

Ivana Alawi kinumpara sa ulam sina Gerald, Sam, Jake at Jameson

NI GERRY OCAMPO

“Masaya siya. Actually, nag-enjoy kami kasi parang hindi kami nagtatrabaho non, Kasi pag nasa beach talaga ako, usually ginagawa ko naman talaga nagho-horseback riding sa beach. Kahit before, nasa Balesin…masaya siya,” bungad ni Ivana Alawi sa isang interview.

Mapapanood na ang project niyang “A Family Affair” kung saan apat ang leading men niya — Gerald Anderson, Sam Milby, Jameson Blake and Jake Ejercito.


Tinanong si Ivana kung paano niya i-describe ang apat na machong leading man?

“Si Jameson, very baby boy. ‘Yun nga ang tawag ko sa kanya. He’s very young and very innocent.


“Si Jake naman, best friend ko. He`s more of a funny. Kapag magkasama kami, puro kalokohan lang, ‘yung nangyayari, puro biruan, very easy going siya and madaling kausap. Hindi ako natatakot biruin.

“Kasi sa iba katulad kay Gerald, nahihiya ako biruin pa. Kasi si Gerald naman, he’s very professional lalo kapag nasa taping tapos nag-i-i-internalize siya and pag pumapasok sa character, ang galing talaga. Ako ‘yung nahihiya, ayaw ko magbiro kay Gerald kasi professional talaga.


“Si Sam naman, akala ko dati takot din ako na makatrabaho kasi feeling ko sobrang tagal na sa industriya and sobrang galing, Feeling ko professional siya. English speaking. So natatakot akong makaeksena siya, pero nung first time kaming nagkita, puro biro siya, sabi niya gusto niya comfortable kaming lahat. Lahat talaga nagtutulungan, pag nagte-taping para kaming family talaga,” paliwanag ni Ivana.

Kung ide-describe niya naman sa ulam ang apat na leading man, ano sila at bakit?

“Siguro si Jameson, Kare-kare. Nilalagyan kasi siya ng bagoong. Hindi ko alam! Basta masarap kasi yung Kare-kare. Si Jake naman, barbecue siya. Tusok-tusok. Yung dalawa (Sam at Gerald), Bulalo. Basta…”

Kung nagkataon na kasama rin sa cast si Joshua Garcia na ibinuko ng sister ni Ivana na crush ng actress.

Ano kayang klaseng ulam ikukumpara ni Ivana ang actor?

Tags: Ivana Alawi

You May Also Like

Most Read