NAWINDANG si Isabelle Daza nung makita ang photos nilang magkakaibigan na sina Liz Uy, Anne Curtis, Nicole Andersson at Solenn Heussaff.
Napansin niyang sa kanilang lima ay nagmukha raw siyang “tita” ng mga ito.
Say ni Isabelle: “I look like I’m a tita with her pamangkins.”
Kaya sinabihan tuloy niya si Solenn to put her arm around her so that she would look as one of the girls and not their “tita.”
Nagkasama ang limang magkakaibigan sa opening ng Celine store.
Napansin ni Isabelle na medyo nakahiwalay daw siya sa picture at hindi siya na-amuse sa kanyang kuha.
Esplika niya sa kanilang photo: “The first photo where I look like I’m a tita with her pamangkins.”
“In the next photo, so I asked @solenn Can you put your arm naman around me” cause I’m at the end of the photo.”
And true, sa third photo ay makikitang nakayakap na si Solenn kay Isabelle.