Latest News

ICE SEGUERRA NA-INSECURE NGA BA KAY JAKE JAKEZYRUS?

NI WALLY PERALTA

NA-INSECURE nga ba si Ice Seguerra sa pinakitang lakas nang loob ng kapwa niya singer at transgender na si Jake Zyrus?

May naked photo kasing pinost sa socmed account si Jake na tila naghuhumiyaw sa pagsasabing “look at me people, i’m a man now.”

Keber na nga si Jake kung anuman ang sabihin ng tao sa kanya, ang importante at ang kanyang saloobin at kasiyahan.

May isang basher na nagkomento sa topless body ni Jake na kinabog daw nto si Ice.

May nagkomento rin na insecure na nga ba si Ice sa ka-machohan ni Jake.

Sa on site presscon ng Film Ambassador Night, ang taunang proyekto ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) headed by Usec Liza Dino-Seguerra, kinuha ng entertainment press ang saloobin ng partner ni Usec Liza hinggil dito.

Ayon kay Usec Liza, contrary sa mga bash kay Ice, super happy daw ang kanyang love of my life sa ginawang paglantad ni Jake ng kanyang tunay na katauhan ngayon.

Isa raw itong inspirasyon sa lahat ng kanilang ka-federasyon na walang takot na ipakita sa publiko ang kanilang tunay na kasarian, transgender man ito.

Okey din kaya kay Usec Liza at Ice na magpa-transman na rin ang huli tulad ni Jake na nagpatapyas na ng dibdib.

Say ng FDCP chair, matagal na nilang pinag-usapan ang bagay na iyon bago pa man mag-post si Jake.

All out support si Usec Liza sa kagustuhan din ni Ice na maging isang transman.

Sa katunayan pa nga ay sabay pa silang naghahanap o kmukonsulta ng mga espesyalista para sa operasyon ni Ice.

Tags: ,

You May Also Like

Most Read