Latest News

IAN VENERACION HINDI PABOR NA I-BAN ANG K-DRAMAS

NI BETH GELENA

PARA kay Ian Veneracion, hindi dapat i-ban ang K-Dramas o hindi tamang ipagbawal ang pagpapalabas ng Korean drama sa Pilipinas.

Aniya, kailangan lang mas paunlarin at ayusin ang kalidad ng mga pinapalabas na mula sa sarili nating gawa.


Para sa aktor, ang kompetisyon ay mahalaga para pag-igihan pa ang performance ng mga artista.

Para lang daw itong isang basketball na kapag hindi kayang talunin ay hindi dapat i-disqualify kundi dapat ay mas galingan.

Mahalaga raw ang kumpetisyon para makita kung may dapat bang baguhin at galingan pa ng paggawa ng mga proyekto.

Sa isang panayam, sinabi ni Ian ng hindi tamang i-ban ang Korean dramas sa bansa.


Naging mainit na usapin ang tungkol dito sa Senado na kinontra ng maraming filmakers at artista sa bansa.

Hindi lang netizens ang adik sa panonoog ng K-dramas kundi maging celebrities din.

Hindi lang naman dito sa Pinas maraming nanonood ng K-dramas kundi maging sa iba pang bahagi ng mundo.

Hindi naman natin sila masisisi dahil aminin man natin o hindi, talagang mahusay gumawa at mag-execute ang mga Koreano ng paggawa ng TV series.


Talagang bawat susunod na eksena ay kaabang-abang kaya tinututukan talaga ng publiko hanggang sa matapos ang K-drama.

Tags: Ian Veneracion

You May Also Like

Most Read