NI BETH GELENA
Grabe ang photos ng new couple na sina Kobe Paras at Erika Poturnak kung saan nasa Bali, Indonesia ang dalawa.
Ang anak ni Benjie Paras ang nagpost ng kanilang larawan na sabi nga ng netizens, maiinit ang kuha ng dalawa.
Nilagyan ni Kobe ng caption photos ng: “From Bali with Love.”
Kita naman sa mukha ni Kobe ang sobrang kasiyahan gayundin naman si Erika, ang anak ni Ina Raymundo.
Bagay naman ang dalawa — both hotties, young, wild and free — sabi ng netizens.
Maraming titos at titas ang naka-relate.sa escapades ng hot couple.
Ganun din daw kasi sila nu’ng younger days nila — mapupusok ‘ika nga.
‘Yun nga lang kapag hindi raw nakakapag-ingat, maagang nabuntis ang kanilang jowa.
May komento tuloy ang netizens: “Grabe na talaga mga kabataan ngayon, sobrang wild. Sana lang talaga wag maagang majontis.”
Ang tanong ng netizens, hindi raw kaya aware si Ina sa intimate moves ng anak at ng boyfriend nito?
Okey lang daw sana if mga artista ang hot couple at eksena lang para sa movie ang kanilang reaksyon.
“Tingin ko nmn naturuan sila ng sex educ o family planning hndi katulad ng kramihan sa kabataang pinoy!”
“Tita, yung mga kagaya ni Britney, Lindsay Lohan at Paris Hilton ang wild at walwal. These two are just normal, tsaka Western ang upbringing nila.”
“Adults na mga yan. Yung junakis ni Ina 20 y/o na. She has foreign blood (Canadian and Ukrainian).”














