NI BETH GELENA
IKINASAL noong July 26 ang first Olympic gold medalist ng Pilipinas na si Hidilyn Diaz sa kanyang long-time boyfriend at weightlifting trainor na si Julius Narajo sa Baguio City.
Subalit kinabukasan ng umaga ay niyanig ang Northern Luzon 7 magnitude na lindol kaya naman napilitan silang mag-evacuate sa kanilang hotel room.
Noong umagang iyon matapos ang malakas lindol, ipinost ng manager ni Diaz na si Noel Ferrer ang video kung saan ang bagong kasal at iba pang guests sa Baguio Country Club na nasa labas due to the mandatory evacuation.
Kuwento ng bagong mister ni Hidilyn, akala lamang ng atleta ay gumagalaw ang mister niya pero ng mapagtantong lindol na ito agad nagdasal ang atleta.
Pinuri naman ni Ferrer ang disaster response ng hotel dahil agad daw namigay ng raisin bread at tubig ang management ng hotel sa kanilang guests na naghihintay sa labas ng building.
Samantala, itinaon ng dalawa ang petsa ng kanilang kasal mismong araw na napanalunan ni Hidilyn ang Tokyo Olympic weightlifting gold last year.
Ibinahagi ng Nice Print Photography sa kanilang Instagram account ng ilang larawan ng newly-wed couple.
Creation ni Francis Libiran ang wedding gown ni Hidilyn kung saan isa itong off-shoulder mermaid cut wedding gown, bedazzled with Swarovski crystals and sequins na matched sa radiance ng atleta.
Ayon sa Nice Print: “Our beautiful bride today. Philippine pride, our first ever gold Olympian medalist, gets married today.” #Hidilyndiaz.
Maging ang florist na si Gideon Hermosa ay nag-post din sa IG account ng NPP ay sinabing: “One-of-a-kind bouquet is inspired and informed by Hidilyn’s profession and her historic feat.”
Post ni Gideon: “Reminiscent of the weights she is known to lift with all her strength on the Olympic stage. Today, she walks down the aisle with a double cascading brocade of orchids, the gentlest and lightest she would hold on the day she will say ‘do’.”
Ibinahagi rin ng couple ang kanilang prenup video ilang oras nago ang kasal at iyon daw ang nakakaiyak na parte ng wedding ceremony.
Napuno ng congratulatory notes ang comment section ng NPP.
Halos lahat ng netizens ay natuwa sa.kasalang Hidilyn-Julius.
“Yay! Congrats Hidilyn! You deserve all the happiness in the world.”
“Bet ko yung bouquet and wedding ring nya na weightlifting ang theme.”
“So happy for them! Weightlifting Fairy of the Philippines! Congratulations ?? ?? ??”
“I super love the energy of Hidilyn. Her smile and how truly genuine a person she is. Even after all her achievements, this girl is still down to earth. Kaya she deserves whatever she has right now. Congratulations!”
May nagbiro.pa ng: “Nako hubby.. magtino ka.. kaya kang tiklupin ni heidi literal. Ahaha or gawing weights ”
“In fairness kay Julius, sya ang nag offer ng pre-nup agreement nila. Kaya bumilib ako sa kanya”