HIPON GIRL MARAMING INSECURITIES

Ni Beth Gelena

SA isang interview ay nasabi ni Herlene Budol a.k.a. Hipon Girl na marami siyang insecurities sa buhay.

Kesyo napgkakamalan siyang bakla dahil sa kanyang hitsura.


“Saka dati talaga yung whole face ko. Dati nung walang nagsasabi sa akin na maganda ako, nung dating binu-bully ako. Ngayon na-accept na siya ng tao, nai-immune na lang kayo.”

Inamin din niya na wala siyang kumpiyansa sa sarili dahilan para madalas siyang i-bully.

Pero alam nyo ba na kahit nabu-bully si Hipon Girl dahilnsa kanyang hitsura ay naging beauty queen din siya?

“Bb. Angono ng Sining 2017 ako, pero sinabi ko dati na first and last ko na dahil dun ako na-bully talaga.


“Sabi ko, ‘Ay, pinahirapan niyo ako na kunin ang tatlong libo ko, ayoko na.'”

Nakatulong nang malaki kay Herlene para mawala ang insecutities sa sarili ay nang sumali siya sa programa ni Willie Revillame na “Wowowin” sa segment nitong “Miss Bikini Open.”

Kinuwento niya kay Kuya Wil kung bakit hipon girl ang tawag sa kanya.

Sabi ni Harlene, maganda nga raw ang kanyang katawan pero pagdating naman daw sa fez niya ay kaali-alipusta na mukhang hipon.


Nagustuhan ni Kuya Wil ang sense of humor ni Herlene kaya kinuha siya nito para maging co-host.

And luckily, ito ang naging daan para makilala si Herlene sa showbiz bilang si Hipon Girl.

Sabi nga niya: “Si God, ginawa si Sir Wil para sa akin.”

Tags: Herlene Budol a.k.a. Hipon Girl

You May Also Like

Most Read