Latest News

Hiling ni Ara Mina kay Cristine Reyes: Magpakita ka naman sa amin

By: Gerry Ocampo

Pagkatapos ng presscon ng “Litrato” na pinagbibidahan ni Ai Ai delas Alas na idinirek ni Louie Ignacio, nakausap ng ilang entertainment press si Ara Mina kung masaya ba siya para sa kapatid na si Cristine Reyes na nakatagpo na ng bagong boyfriend sa katauhan ni Marco Gumabao.

Say ni Ara ay masaya siya dahil nakikita niyang happy ang nakakabatang kapatid.

‘Yun nga lang daw, ilang araw na raw niyang hindi nakikita si Cristine at maging sa pamilya nila ay hindi rin ito nagpapakita.


“I’m very happy, nakikita ko sa kanya, happy siya. But honestly, ang last na kita ko sa kanya, December. I haven’t seen her for 7 months na,” kuwento ni Ara.

“Maybe, I’m busy din sa work pero hindi rin siya nakikita ng family namin, eh,”dagdag pa niya.


Samantalang kung si Marco ay naipakilala na si Cristine sa magulang at kapatid niya, si Cristine naman daw ay hindi pa dinadala sa kanyang pamilya si Marco, although sabi ni Ara ay kilala naman niya ang aktor .

“Willing naman kami, kumbaga, yung family ko, willing makilala si Marco. It’s just that, hindi pa niya ipinapakilala. Oh, eh, it’s her choice,” say ni Ara.


Sa ilan okasyon at family gathering nila ay lagi raw absent si Cristine.

“Nag-birthday ako, nag-Father’s Day. Dahil may work daw siya, so, antay na lang kami. Sanay na kami sa kapatid ko, eh,” aniya.

Ano kayang dahilan sa tingin niya kung bakit hindi nagpapakita si Cristine?

“Baka super in love, eh. Ganyan yan ‘pag super in love, eh, Parang wala, missing iin action sa family,” pagbubulgar ni Ara.

Mensahe niya sa younger sister na huwag daw masamain ang kanyang sinabi dahil nanawagan siya kay Cristine na magpakita na raw ito sa kanila.

“I’m just telling the truth. Hoy, AA (tawag niya kay Cristine), huwag ka magagalit. It’s true. Pero okay lang kung ano. At least, magpakita ka lang din kay Mommy, sa Daddy,” mensahe ni Ara kay Cristine.

Pero masaya raw siya ngayon na makita ang ngiti sa labi ng kapatid.

“Nakikita ko yung smile ni Cristine na ang tagal na naming hindi nakita ‘yun, But I really hope na magpakita rin siya sa mga kapatid ko. Kahit hindi na sa akin, okey lang, busy din ako, eh,”hiling ni Ara.

Panawagan naman ni Ara kay Marco: “Alagaan niya sana yung kapatid ko because hindi rin biro yung pinagdaanan ng kapatid ko sa past niya and she deserves to be happy. I want my sister to be happy.”

Samantala, role ni Ara sa “Litrato” bilang anak ni Ai Ai kaya sobrang excited ito dahil first time niyang makakasama si Ms. Ai Ai sa isang pelikula.

Puring-puri niya ang Comedy Queen sa galing at husay na ipinamalas nito bilang isang lola na may Aizheimer’s disease.

Tags: Ara Mina, Cristine Reyes

You May Also Like

Most Read