NI BETH GELENA
ITINANGGI ni Heaven Peralejo ang pagkakaugnay ng name niya kay Jameson Blake.
Iginiit ni Heaven na magkaibigan lang daw sila ng aktor na kasama niya sa seryeng “A Family Affair.”
“Siguro kami sa show, siya ang ka-close ko po. At saka magaling po siyang ka-partner so natutuwa po ako na nagkakatulungan kami sa scenes,” say ng young actress sa “Magandang Buhay.”
Natanong si Heaven kung manliligaw si Blake, may pag-asa raw ba ang aktor.
“Kung ngayon po siya manliligaw, alam po namin kasi sa isa’t isa na parang hindi talaga po. Sometimes gusto mo lang ‘yung tao na ‘yon i-keep mo in your life and mas better off as friends. Parang hindi pa rin po ako ready na mag-date ngayon,” sagot ni Heaven.
Sa panayam din ng MB ay nasabi rin ni James na magkaibigan lang sila ni Heaven.
Ipinaliwanag din ng aktres ang tungkol sa.naging viral niyang tattoo sa kanyang braso.
Aniya, simbolo raw iyon ng bagong buhay matapos siyang muntikang malunod sa isang talon sa La Union.
Kwento ng dalaga: “May dalawang falls, sa gitna kami dumaan. Pagbagsak po namin as in nalunod po ako. Sobrang delikado po. Tatlo lang kami ‘yung tour guide, ‘yung best friend ko at ako. So sabi ako muna ang tatalon kasi marunong ako mag-swimming.”
“Pagtalon ko as in wala na po akong hangin talaga at kamay ko na lang ‘yung nakataas. ‘Anong nangyari?’ ganoon pa ‘yung sabi ng best friend ko. So ‘yung tour guide hinatak po ang kamay ko. Buti nahatak po ako. So itong tattoo is like second life.”
Aside sa “A Family Affair,” kasama rin si Heaven sa pelikulang “Nanahimik Ang Gabi” kung saan kasama niya sina Ian Veneracion at Mon Confiado.
Ayon kay Heaven, ‘buwis-buhay” daw siya sa movie na ito.