NI GERRY OCAMPO
NAGYAYA lang si Heart Evangelista via her IG Stories na “Tara Rampa” may nag-comment agad ng: “Para ka ng nababaliw, wala kasing anak na pagkakaabalahan.”
Hindi nakapagpigil ang actress at sinagot ng: “ULOL The only word your vocabulary can attain.”
Karamihan ng netizen ay hindi na rin nakapagpigil para sabihan si Heart na kulang pa ang ulol na sagot ng actress dahil rude at below the belt daw ang comment ng basher.
Ang iba namang netizens ay natawa sa naging sagot ni Heart,.
Nag-react na lang daw sana siya ng pa-witty na sagot.
Kung bakit naman kasi big deal sa iba ang hindi pagkakaroon ng anak nina Heart at Sorsogon Gov. Chiz Escudero.
Ang pagkakaroon ng anak ay dumarating sa takdang panahon. Walang makapagsasabi kung kailan.
Sinasabi naman ng doctor nina Heart at Chiz na wala silang problema dahil pareho silang may kakayahang magkaroon ng anak.














