Latest News

HEART MAG-GOODBYE NA NGA BA SHOWBIZ?

NI WALLY PERALTA

HINDI naging daan para kay Heart Evangelista ang mataas na rating ng serye niyang “I Left My Heart in Sorsogon” para mag-alinlangan pa siya kung tuluyan na nga ba niyang iiwan ang showbiz.

Huling linggo ng serye ni Heart kaya nag-post sa kanyang socmed ang aktres ng: “Acting will always be a first love but for soap operas maybe it’s time for me to graduate. I’ll miss it very much.”


Ikinagulat naman ng marami niyang followers ang desisyon na ito ng kanilang idolo.

Tanong tuloy nila kung paano na ang showbiz career ni Heart at kung mapapanood pa ba nila ang aktres?

Nagpahayag naman noon si Heart na open siya sa TV projects na hanggang maaari ay yung three-episode specials at kung wala man siyang teleserye, hindi niya iiwan ang paggawa ng pelikula na parang mas gusto niyang tahalimmanging at tila ito ang puntirya ngayon ni Heart.

Gayunman, kuwento ng aktres na may malaki siyang problema pagdating sa paggawa ng isang pelikula dahil sa oras o availability to shoot sa dami umano ng kanyang commitments lalo na sa labas ng bansa kung saan ay madalas siyang maimbitahan sa special events lalo na ‘yung may kaugnayan sa fashion event.


“I said it with finality the last time, but when I started to watch the show, I realized how I also loved acting din pala,” sabi ni Heart.

Tags:

You May Also Like

Most Read