Latest News

Heart dinagsa ng challenges mula sa netizens

NI GERRY OCAMPON

NAG-POST si Heart Evangelista na kumakain ng fish ball, and take note, nakalagay lang naman sa Tiffany & Co paper cup ang biniling street food kaya pinagkaguluhan na naman siya ng kanyang followers.

Nagmistulang mamahalin at sumarap ang fish ball dahil nakalagay ito sa mamahalin at branded na paper cup.

Mas expensive pa ang pinaglagyan ng pagkain, huh!

Nag-take out daw kasi ng fish ball si Heart bago umuwi at ang pinaglagyan niya ng suka ay ang Tiffany & Co paper cup. Kaya doon niya isinasawsaw ang tusok-tusok na fish ball.

Ang ikinabaliw pa ng netizens, bukod sa Tiffany & Co paper cup ay naka-Dior outfit pa si Heart nang bumili ng fish ball.

Curious tuloy ang netizens kung wala raw bang gamit sa bahay sina Heart at Sorsogon Gov Chiz Escudero na hindi branded o imported?

Dinagsa tuloy ng suggestion at challenge si Heart tulad ng pamamalengke sa wet market at pagbili ng tilapia na siya na rin ang magprito.

May nag-suggest din na mamili siya sa ukay-ukay at subukan magtinda sa palengke.

Ang isa pang challengr kay Heart ay mag-shopping sa Divisoria.

Ang tanong?

Tanggapin ba ni Heart ang mga challenge sa kanya ng netizens?

If ever tanggapin nya, alin kaya sa mga ito ang uunahin niyang gagawin?

Meanwhile, may nag-nega na naman kay Heart dahil sa post nito sa kanyang IG story ng photo ng anak ni Chiz na si Quino, na tinuring na rin niyang tunay na anak.

Caption ng Kapuso actress: “Gwapo ng anak ko!!!,”

Comment agad ng isang netizens, at the end of the day ay hindi pa rin niya anak si Quino.

Ipinagtanggok naman si Heart ng isang nakakaunawang netizen, na kung komportable naman daw si Quino sa turing ni Heart sa kanya ay walang problema.

Bakit nga naman pati yun ay dapat pang problemahin ng iba?

Tags:

You May Also Like

Most Read