Latest News

HEART, CHIZ HIWALAY NA?

NI BETH GELENA

Usap-usapan sa social media ang tsikang hiwalay na umano ang mag-asawang Heart Evangelista and Senator Chiz Escudero.

Kumalat ang chismiz dahil ayon followers ni Heart, na pinalitan nito ang kanyang Instagram bio o profile information.


Ang unang gamit daw ni Heart ay ang full name niyang Love Marie Ongpauco Escudero, ayon na rin sa naka-indicate sa kanyang bio aside sa display name niyang Heart Evangelista — ang screen name niya bilang artista.

Pero nito raw Wednesday, napansin ng followers na omitted na raw ang maiden ng Kapuso aktres — ang Ongpauco at surname ng kanyang husband na Escudero.


Ang nakalagay.na lang daw sa kanyang bio ay Love Marie.

Espekulasyon tuloy ng kanyang fans, may hindi magandang nangyayari sa kanilang married life.


Pero sa bio ni Heart, naka-include pa rin ang word na wife at ang photos nila ng senador ay visible pa rin sa kanyang Instagram page.

Wala pang komento si Heart ukol sa naglalabasang espekulasyon sa kanilang mag-asawa.

Tags: Heart Evangelista and Senator Chiz Escudero

You May Also Like

Most Read