Latest News

HEART, BLACPINK’S JISOO KIM RUMAMPA SA DIOR AUTUMN-WINTER SHOW SA PARIS

NI BETH GELENA

BACK to Paris si Heart dahil as a family member of Dior, siyempre invited ang Kapuso actress sa mga bonggang okasyon ng Dior.

Impromptu trip kumbaga ang pagbiyahe ni Heart sa City of Love for the Dior Autumn-Winter 2022-2023.

Muling rarampa ang misis ni Sorsogon Governor Chiz Escudero to wear the label’s latest pieces.

Makakasamang rarampa ni Heart ang Blackpink member ma si Jisoo Kim bilang Dior global ambassador.

First time na nagkasama ang dalawang fashion icons at the same place at the same time sa Dior show.

Hindi lang sila present sa Autumn-Winter show, but coincidentally pareho pa ang kanilang suot. They both wore yellow plaid outfits from Dior.

Heart donned a Dior plaid coat paired with a white button down and lace skirt while Jisoo wore her Dior plaid dress with a white 3/4 sleeved button down.

Hindi nakuhanan ng larawan ang dalawa sa red carpet entrance ng show dahil magkaibang oras sila dumating and were seated away from each other.

Sa true lang, ang daming naiinggit sa naging kapalaran ni Heart sa glamorosang City of Paris.

Na-invade niya ang wrold fashion capita dahil ang pangalang Heart Evangelista ay nasa lstahan na ng sikat na fashion designers.

Tags:

You May Also Like

Most Read