Latest News

HEART ACCEPTS SARI-SARI STORE SHOPPING CHALLENGE

NI BETH GELENA

TINANGGAP ni Heart Evangelista ang challenge.ng isang netizen na sa isang sari-sari store naman siya mamili at hindi sa classy malls.

Challenge accepted daw ang misis ni Governor Chiz Escudero and pinost ni Heart ang actual niyang pamimili sa isang sari-sari store.


Sa estado kasi ng buhay ni Heart na ipinanganak na may ginto sa bibig, ay hindi ito nakaranas na bumili sa isang sari-sari store.

Hindi siya nagpakabog at dala-dala pa rin ang pagiging fashionista, go siya sa kanyang sari-sari store shopping experience.

Nakita ng Kapuso aktres ang favorite niyang strawberry biscuit.

Reaksyon agad ni Heart: “Ang saya sayaaaa!”


Bumalik ang childhood memories siya at na-miss daw niya tuloy ang kanyang yaya.

“Brings back my childhood memories. Missing my yaya,” saad ni Heart.

Hindi lang chichirya ang mga binili ni Heart kundi mga biscuit din.

Binilhan din niya ang mga taong nakapalibot at nanonood sa kanya habang namimili.


Inabutan din Heart ang isang bata at matanda ng energy drink.

May sinabi ang bata tungkol sa energy drink na hindi yata gaanong naintindihan ng aktres.

“Tanga lang ang peg ko,” nasabi tuloy ni Heart sa sarili.

Panoorin ang kabuuan ng nasabing vlog dahil nakaka-good vibes ang mga eksena.

Aba, isang fashionista icon hindi nagpatumpik-tumpik pasukin ang isang sari-sari store.

Pero ang awra, sosyalera pa rin, huh!!

Tags:

You May Also Like

Most Read