MARAMING pinasaya si Gretchen Barretto noong Valentine’s Day noong magpadala siya ng ayuda sa 700 families na nasunugan sa Cavite.
Bigas at essential goods ang ibinigay ni Ms Gretchen para makatulong sa pangangailangan ng mga pamilyang nasunugan.
Bukod pa sa ipinadalang bigas ni Gretchen sa 163 security guards and staff na naka-duty sa DASMA Village at Forbes Park
Nagbigay din siya sa NCR ng tulong sa 400 families na nasa depressed area.
Nakatanggap din ng regalo kay Gretchen ang 200 senior citizens.
Lahat ng ayudang tulong na ipinamamahagi ni Gretcen ay bukal sa kanyang kalooban, di tulad ng iba na namimigay ng tulong dahil “nagpapakilala” o “kakandidato”
Tunay na matatawag ngang Darling of The Press si La Greta dahil lahat ng press lalo na sa entertainment press ay pinadadalhan niya ng tulong.
Maging sa kapwa artista ay nagpapadala rin siya ng tulong at bigas,kesehodang close or hindi niya kilala ang artista.
Pero kahit namamahagi ng kanyang blessing si Gretchen ay may tao pa ring hindi kuntento at pilit pa rin na minamasama ang kanyang pagtulong.
Dedma na lang si Gretchen dahil wala naman maitutulong ang paninira sa kaya.
Basta ang importante ay gusto niyang tumulong at mag-share ng blessing sa lahat.