GRETCHEN BARRETTO-SENATOR BATO FACE OFF KAABANG-ABANG

NI JULIE E. BONIFACIO

KINONTRA ni Gretchen Barretto ang pagtanggi ni Senator Bato dela Rosa sa mga akusasyong ibinato sa kanya na may kinalaman sa online sabong.


Nakahanda si La Greta na maglabas ng ebidensya sa diumanoโ€™y โ€œpagtalpakโ€ ni Sen. Bato sa kursunadang manok sa e-sabong.

Ipinost ni La Greta sa kanyang Instagram ang video ng interview ni Sen. Bato sa SMNI news program.

Say ni Sen. Bato sa interview: โ€œUnang-una, sabi niya (Gretchen) mahal daw ang relo ko. Bakit sya lang ba ang may karapatan na magsuot ng P85 thousand na halaga na Tag Heuer na relo? Baki, hindi pala ako pwede? Mahal โ€˜yun. Mahal talaga โ€˜yun para sa akin. Sa kanila, ewan ko kung mahal โ€˜yun sa kanila.โ€


Dugtong pa ng senador: โ€œTapos, sabi meron daw akoโ€™ng utang sa, may balance daw ako. Paano ako magkaka-balance , e, never naman ako nagsusugal? Never naman ako nagsasabong? Never in my life na kahit once na nag-bet ako sa sabong. Never nangyari โ€˜yan in my life.โ€

Giit ng dating PNP chief na โ€œcharacter assassinationโ€ lang daw ang ginagawa sa kanya ni Gretchen dahil desperado na raw ang โ€œkampoโ€ ng live-in partner ng business tycoon na si Tony โ€œBoyโ€ Cojuangco.


Paniniyak pa ni Senator Bato, mahihirapan daw lumusot ang may pakana ng online sabong sa pangunguna ng business partner ni La Greta sa sabong na si Atong Ang sa isyu ng pagkawala ng 34 na mga sabungero.

Hindi naman nagpatinag si La Greta sa mga pahayag ni Sen. Bato.


โ€œI am very willing to present evidence to you of my so called accusations Bato dela rosa . In front of media ?? Time & place? Hurry pls????,โ€ hamon ni Gretchen na nakalagay sa caption ng kanyang IG post last Wednesday.

As usual, ride on ang netizens sa nangyayaring bangayan between La Greta and Senator Bato.

โ€œHaiz ito n nman si Iyak boy??????โ€



โ€œThere’s something about Greta na kapag sya nagsalita, totoo yun, may hinahawakan syang evidence. And ikaw Bato, wag ka na magside comment kay Greta, mas madami sya connections kesa sayo.โ€

โ€œThere are many women who are scared to use their voice that’s why I admire Gretchen for being brave, honest and straight to the point.โ€

Kampi naman ang ibang netizens sa pag-iimbestiga ni Sen. Bato sa mga nawawalang sabungero.

โ€œLet’s say, call the bluff na! show up in that time and place and then what?? lilitaw ba ang mga nawawalang sabungero after that?โ€

โ€œThe senator may not have the excellent way of questioning but one things for sure. He is doing his job and that is investigating the missing sabungeros who are all connected with their E-sabong biz. Now Kung wala namang tinatago sina Gretchen bakit sya kabado and resorting to insulting?โ€

Ganern?

Tags: Gretchen Barretto, Senator Bato dela Rosa

You May Also Like

Most Read

Latest News