NI BETH GELENA
LUME-LEVEL up na ang pamimigay ng “Love Is Essential” project ni Gretchen Barretto.
Hindi lang saku-sakong bigas at worthy groceries ang kanyang pinamimigay ngayon kundi ambulansiya na para sa mga hospital.
Ang unang masuwerteng mabibigyan ng ambulansiya ay ang Victor R. Potenciano na nasa EDSA, Mandaluyong City.
Sa IG account ni La Greta sinabi niyang tutuparin niya ang hiling ng VRP hospital.
Gift daw niya para sa 49th year anniversary ng VRP hospital.
Bukod sa ambulansiya, magbibigay din siya ng mga bigas sa mahigit 1,000 workers ng ospital.
Ayon ka La Greta: “Hi, I’m happy to announce that on February 24, I’ll be granting the wish of Victor Potenciano Hospital, VRP yun, sa Mandaluyong, EDSA.”
“It’s going to be their 49th year, so I will be launching my first ever “Love Is Essential” ambulance and that is my 49th anniversary present.
“And that is the wish that I’m granting them. And also, to the frontliners of VRP, on that day we, we will be granting 1024 frontliners.
“So, since its February, and I said it’s a month of love, let’s all spread love. So, mine is on Thursday, Ferbuary 24.”
Makikitang dalawang ambulansiya ang nakaparada sa garahe, meaning, may Isa pang pagbibigyan ang aktres.
Hindi pa niya tinutukoy kung kanino ibibigay ang isa pa, later na lang daw niya ire-reveal.
“This is the ‘Love Is Essential’ ambulance that will go to VRP.
“There’s another one, I will reveal to who we will give it to,” say ni Gretchen.
Sa comment section ng IG ni La Greta, pawang magagandang komento ang mababasa.
“Sana all ang mga artista like La.Greta.”
“Napaka-generous nyo po. Sana ol.”