Latest News

GRETA PINASARINGAN SI SENATOR BATO

NI BETH GELENA

MUKHANG uso yata ang mga patutsadahan ng mga kilalang personalities.

Nauna na si Kris Aquino sa ex niyang si Herbert Bautista na ikina-react naman ni Ruffa Gutierrez, ang current GF ni Bistek.

Sumunod naman na buwelta din kay Kris ang anak ng Tarlac mayor tungkol sa sinabi ng may sakit na actress-TV host tungkol sa taong “walang utang na loob” na hindi naman niya pinangalanan kung sino ito.

Ang latest na may patutsada ay sa hearing ng Senado tungkol sa mga nawawalang mga pipol na may koneksyon umano sa online sabong.

Isa sa naimbitahan ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Substances ang businessman na si Charlie “Atòng” Ang.

Si Atong Ang — kaibigan ng former actress na si Gretchen Barretto — ay ang itinuturong mastermind umano sa pagkawala ng mahigit 30 na mga sabungero.

Isa sa business ni Ang ay ang e-sabong kaya may lumalabas na espekulasyon na umano siya ay may kinalaman sa mga nawawalang sabungero.

Si Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang chairman ng Senate panel na nag-iimbestiga sa isyu, pero tila hindi nagustuhan ni La Greta the way the investigation was being conducted para sa kaibigang businessman.

Sa Instagram ng former actress, nag-post siya ng video recording ng Senate investigation, kung saan tila boses niya ang naririnig sa background telling Senator Bato to get down to business.

“Get down to business, Bato. Stop grandstanding, just get down to the investigation,” na parang boses ni Gretchen ang maririnig.

May pasaring din si La Greta hinggil sa mamahaling relo na suot umano ng dating PNP chief-turned-senator.

Idinenay naman ni Atong ang lahat ng alegasyon na idinadawit siya sa isyu.

Tags:

You May Also Like

Most Read