Latest News

GLAIZA DE CASTRO KAMBAL NA BOY AND GIRL ANG GUSTONG ANAK

NI WALLY PERALTA

NANG i-announce ni Glaiza de Castro na nagpakasal na sila ni David Rainey, marami sa kanyang followers ang excited marinig mula sa magaling na Kapuso actress kung buntis na ba siya.

Diretsahang sinagot naman ni Glaiza ang tanong at sinabing wala pa umano sa plano nila ng mister na magkaroon agad ng anak.

“Matagal pa. Gusto ko pang mag-travel. Gusto kong ma-enjoy ’yung time namin together. Kasi nakita ko ’yan sa mga sister ko, nakita ko sa sister ni David na once you have a baby or babies, 100 percent ibibigay mo ’yung time mo for them. And they will be your priority,” paliwanag ni Glaiza.

Just in case na maisipan na nilang magkaroon na ng anak, girl o boy ba ang feel nila na maging panganay?

“Parang gusto ko, dalawa lang sana, e. A boy and a girl tapos kambal para tapos na. Hahahaha!” natatawang sagot ni Glaiza.

Habang narito pa sa Pinas ang aktres, ini-enjoy muna niya ang kanyang showbiz career, at all out support naman si David sa kanya.

Busy si Glaiza sa pagpo-promote ng miniserye nila ni Xian Lim titled “False Positive” sa iba’t ibang shows ng GMA-7, specially sa “All Out Sunday.”

Tags:

You May Also Like

Most Read