Latest News

Girl group CALISTA aiming high

Ni Wally Peralta

SUPER-BONGGACIOUS ang ginawang media launch kamakailan ng all female group na Calista o slang term ng “Call It A Star.”

Kasing garbo ang launching halos ng music video na ginawa ng grupo para sa first single nilang “Race Car.”

Marami sa mga naroroon ang nagtataka na kahit hindi pa masyadong “alive” ang entertainment industry, nagsugal ang kanilang manager na si Tyrone James Escalante ng TEAM o Tyron Escalante Artist Management.

Ayon sa masipag na manager, masasabi niya raw na isang unfinished business ang pagtatag niya ng isang all-female group.

Sinubukan raw niyang magbuo ng group noong una pero nag-fail ang kanyang first attempt.

Nakatagpo ng isang makakatulong si Tyrone — ang Merlion Events Production — kaya nabuo ang Calista, na produkto na daan-daan na nag-audition na nauwi na lang sa anim na members — sina Alluring Olive, Sweet Laiza, Edgy Anne, Sporty Denise, Chic Elle, at Fiery Dain.

Sa press launch, nagpamalas ang Calista ng kanilang sing-and-dance talent, at masasabi ngang sulit na sulit ang training at workshop ng anim.

Pang world class performance ang pinakita ng grupo at puwedeng maging Philippines’ pride.

Mabibigyan nila ng mahigpit na kompetisyon ang sikat na sikat na all female group from Korea na “Black Pink.”

Pero sa kabila ng mga papuri, nanatiling humble ang grupo.

Natanong sila kung sino sa palagay nila ang mahigpit na kakumpitensya, lalo na at nagsisimula palang sila.

Anila: “Bilang baguhang all female group, hindi po kami naghahanap ng kakompetensya o nakikipagpaligsahan sa kapwa namin all female group. We are here to compete to ourselves not to anybody else. Tulad po ng aming first single na “Race Car” ang aming aim is to reach the finish line. At ang masasabi naming finish line ay ang international market.”

Good luck girls!

Tags:

You May Also Like

Most Read