Latest News

Gigi de Lana hinimatay habang nasa stage

NAGPASYANG kanselahin na ang gig ng singer na si Gigi De Lana at kanyang banda sa Nueva Ecija matapos makita sa video noong Lunes na hinimatay ang singer habang nakaupo sa stage sa kanilang show sa Ilocos Norte noong nakaraang gabi.

Matatandaang nagpasya pa rin si Gigi at kanyang banda na mag-perform noong Linggo sa kabila ng tinamo nilang aksidente noong madaling araw na nakitang sobrang napipi ang front portion ng kanilang sasakyan.

Sa Facebook page ng banda, sinabi nilang ligtas naman ang lahat sa naganap na aksidente sa kabila ng pagkawasak ng harap ng sinasakyan nilang SUV dahil naka-deploy ang mga airbag.


Sinabi rin nilang tuluy-tuloy daw ang kanilang gig sa Paoay gaya ng plano.

Pero sa gitna ng performance ni Gigi — na nakaupo habang may suot na arm sling — ay dahan-dahang bumagsak ang singer sa kanyang mic stand.

Nagpahayag naman ang event host at content creator na si Tita Krissy Achino na nawalan ng malay ang singer habang nasa gig.

Humiling din ang grupo sa fans at supporters ng panalangin para kay Gigi at sa kanyang mga kasama sa banda.


“Sadly we need to cancel tonight’s gig. We hope you understand na kailangan nating unahin ang recovery nina Gigi, Oyus, Jon, at mga miyembro ng team natin pagkatapos ng hindi magandang insidente kahapon. Babawi po kami,” pahayag ng event organizer.

Tags: Gigi De Lana

You May Also Like

Most Read