Latest News

GERALD SANTOS KASAMA PA RIN SA NA SA ‘MAMAPASANO’

NI WALTER PERALTA

HALOS two years ago nang matsikang kasama si Prince of Ballad Gerald Santos sa isang movie na base to true to life event sa Philippine history — ang “Mamasapano: Now It Can Be Told” — ng Borracho Productions with the support of Vivamax, starring Edu Manzano.

Dahil nagkaroon ng global pandemic, nahinto ang shooting ng pelikula at marami ang nagsasabing baka tuluyan nang i-shelve ito.

Subalit noong nakaraan buwan, muling nag-shooting ang cast, direktor at crew ng pelikula.

Nabago ang buong production team, na dati ay grupo ni Direk Law Fajardo ang namahala.

Ngayon ay si Direk Dimaranan at ng kanyang grupo ang hahawak ng pelikula.

May ilan ding nalaglag cast dahil sa conflict sa sched kaya nag-worry ang followers ng singer-actor, but luckily nasa cast pa rin si Gerald.

Marami kasing nakaline-up na project si Gerald this year at show pa siya sa ibang bansa sa second quarter ng taong ito.

“Naka-cluster o naka-sked na kasi ang marami kong artista, so we had to shoot. Okey naman ang pag-uusap namin ni Direk Law.

“Sa five days na na-shoot niya sa movie namin, marami pa rin naman ang retained, but of course, meron ring mawawala,” paliwanag ng producer ng movie na si Atty. Ferdinand Topacio.

Kuwento naman ni Gerald: “Medyo naging difficult uli ang continuation ng shoot namin ‘coz nagkaroon ng bagong surge sa Omicron. But it went smoothly naman. Mas naging mahigpit lamg uli sa bubble set up swab tests talaga before we entered the bubble.”

“Bale may mga na-shoot na ako na eksena noong late 2020 and then mid 2021 tapos ito another five days na shoot for me. I was actually expecting na mahirap talaga itong role na ito coz he is the lone survivor.

So when we were shooting na ‘yung battle scenes sa gitna ng maisan from 8:00 a.m. till night, doon ko lang na-realize kung gaano talaga kahirap.

“Nakabilad kami sa tirik ng araw, gumagapang, humihiga sa maisan at damuhan. Grabe it was hard but an amazing experience for me! Pero ibang level pa ‘yung kinailangan ako lumublob sa ilog para kunan ‘yung pagtatago sa water lilys. Grabe talaga! I learned so much from this role.

“Kaya thank you talaga sa Borracho Film Productions and Atty. Ferdie Topacio for entrusting me this role,” dagdga pa ni Gerald.

Tags:

You May Also Like

Most Read