Latest News

GERALD NO SHOW SA BDAY PARTY NI JULIA

Ni Beth Gelena

INAMIN ni Julia Barretto na wala sa kanyang 25th birthday party ang boyfriend na si Gerald Anderson.

May valid reason naman pala ang aktor kung bakit wala Kapamilya hunk sa party ng girlfriend.


Nasa Masbate Kasi Gerald para sa lock in taping nila ng “A Family Affair” with Ivana Alawi, Sam Milby and Jake Ejercito.

Pero babalik na raw anytime ang boyfriend ni Julia sa Manila kaya looking forward Ang young actress sa magaganap na post-birthday celebration niya this week.

“He’s coming home na. We’ll probably do a little get-together and have a nice dinner with our friends when he gets back. Maybe just a nice dinner,” kuwento ni Julia sa isang interview.

Natanong din siya sa kontrobersyal na sexy birthday pictorial niya kung saan halos silver glitter lang ang nakatakip sa kanyang private parts.


“I’ll just have to give credit to my entire team. Ang nakaisip talaga nu’ng lahat ng yun is my photographer and good friend BJ Pascual na last minute lang namin yun na-produce.
“He creative directed everything. My makeup artist, my hairstylist, my stylist, sila lahat ang nag-collaborate for that and kumbaga parang lang nila akong naging doll doon. Game naman ako sa kahit ano. I’m glad you guys liked it,” paliwanag ni Julia.

Samantala, sunud-sunod ang projects na ginagawa ni Julia.

May latest movie siya under VIVA TV at Project 8 Projects entitled “The Seniors” na pinagsasamahan nila nina Ella Cruz, Andrea Babierra and Awra Briguela.


Tags:

You May Also Like

Most Read