GERALD, KYLIE SABAY DUMATING GALING SWITZERLAND

NI BETH GELENA

MAGKASABAY na dumating na sina Gerald Anderson at Kylie Padilla mula sa shooting nila sa Switzerland.


Ayon sa kumakalat na balita, may namumuong relasyon sa dalawa habang sila ay nasa Switzerland.

Usap-usapan ding break na umano sina Julia Barretto at Gerald dahil sa anak ni Senador Robin Padilla.

May tsika pang ang sweet daw nina Kylie.at Gerald habang magkatabi sila sa eroplano.


Well, wala pa namang pruweba kung totoo ngang “sila” na ang new couple at break na ang aktor sa girlfriend niyang young actress.

Ayon sa netizens, promo lang daw ang lahat dahil may pelikula silang ginagawa.


Kung may katotohanan man daw ang balitang ito, tiyak na magdadalawang isip si Gerald — dalaga raw si Julia samantang si Kylie ay may mga anak na

Sabagay, maganda si Kylie.


Kahit may dalawa na siyang anak kay Aljur Abrenica ay mukha pa ring dalaga ang aktres.

At bagay daw sina Geraldat Kylie dahil magkamukha raw sila.



Tags: Gerald Anderson at Kylie Padilla

You May Also Like