Latest News

GASOLINE JOKE NI XIAN KINAALIWAN

Ni Beth Gelena

HAHAHA... kaaliw ang komento ni Xian Lim sa pagtaas ng gasolina.

Aba, kahit naman sino ay magrereklamo sa sobrang taas ng oil prices ngayon.


Tuloy pati pagpapalinis ng paa at kamay, tumaas na rin kahit hindi ito ginagamitan ng gasolina.

Pawang acetone, cuticle remover, nail pile, nail cutter at cutix ang tanging puhunan

Kahapon lang kasi, nagpalinis ang inyong lingkod (maniped) nagulat ako dahil P200 na ang paa’t kamay kapag nagpalinis na dati ay P150 lang, what more sa mga sikat na beauty salon?

Anyway back to Xian, sa post niya sa kanyang socmed: “Aala ba akong karapatan magmahal? Ang dami dami ninyong sinasabi… Ayoko na pag nagmamahal ako ang daming taong nagagalit — Gasolina.”


“Pass muna sa long rides. Kape-kape muna sa kanto.”

Every morning at 5 a m. Naglo-long ride si Xian kasama ang mga kaibigang.motorcycle riders.

Before nilang mag-motor, ay nagkikita sila sa isang lugar para magkape.

Ducati ang brand ng motorcycle ni Xian na super niyang inaalagaan tulad ng pag-aalaga niya sa nobyang si Kim Chiu.


“Haha. Fernes havey yung joke. Pero on a serious note I’m sure kaya naman nya bumili ng e-vehicle like Tesla environmental friendly pa. Pero sabagay 3rd world nga pala tayo. Makabili man ng ganyan wala namang charge stations. And baka ma-carnap pa. Hahaha. Iyak tawa na lang.

“Mahirap din ang e-vehicle lalo na mastuck ka sa traffic at pag malayo byahe mo. Pang running errands lang talaga sa malalapit na lugar. Kape kape muna Sa bahay. Mas matipid.”

“Hahaha natawa ako pero Oo, wala kang karapatang magmahal especially if every other day ka kung “magmahal”…try mo din magpahinga sa “pagmamahal” para naman “mabawasan” ang nagagalit sa ‘yo ??”

“bet ko ang joke nya .. here in the Bay, almost $5 na sa iba more than $5 na pero since sa Costco mas mura pa din by few cents, except it will get worse accdg to Pres. Biden”

Tags:

You May Also Like

Most Read