NI BETH GELENA
LALO pang naging exciting ang pagdiriwang ng Pride Month ng Pilipinas matapos itanghal ang Pinay candidate na si Fuschia Anne Ravena na Miss International Queen 2022 noong Sabado ng gabi sa Thailand.
Naging katangi-tangi si Ravena sa 22 iba pang kandidata sa buong mundo kasama na si Miss Colombia na first runner-up habang si Miss France ang second runner-up.
Si Ravena ang ikatlong Pilipina na nag-uwi ng korona ng Miss International Queen, ang itinuturing na world’s top beauty pageant para sa transgender women.
Unang napanalunan ni Kevin Balot ang korona noong 2012 na sinundan ni Trixie Maristela noong 2015.
Tinanong ang top 3 finalists kung alin sa advocacy and teaching equality ng pageant ang kanilang isusulong kapag siya ang manalo sa beauty contest.
“I will start it by influencing other people to spread love, peace and unity to have world equality because after all we live under one sky. And we breath the same air. And we all live from differences where love is universal,” ang sagot ni Ravena na umani ng loud cheers mula sa audience.
Nauna ng pinalakpakan si Ravena ngn manonood sa kanyang kakaibang National Costume presentation at Talent Quest. Rumampa si Ravena sa entablado sa kanyang Santacruzan-inspired na national costume na nilikha ng sikat na Cebu-based fashion designer na si Cary Santiago.