NI WALLY PERALTA
MARAMING nagulat nang malaman ng supporters ng dating child star na si Francis Magundayao na nagbabalik-showbiz na siya.
Kasama siya sa sexy-suspense serye ng Vivamax na “Iskandalo” na pinagbibihan nina AJ Raval, Cindy Miranda, Ayanna Misola at Sean de Guzman, na nagsimula nang mag-stream sa April 10 sa Vivamax App.
Nagsimula sa showbiz si Francis bilang child star at siya ang gumanap na batang Iking sa fantaserye ng GMA7 noon na “Darna” na pinagbidahan ni Angel Locsin last 2005.
Nang maging teenager, naging parte si Francis ng Star Magic at nakagawa ng maraming serye at shows sa Kapamilya Network.
Nahinto sa pag-arte ang aktor nang magkaroon ng aberya ang ABS-CBN na natiyempo pa sa pagkakaroon ng pandemya sa buong mundo.
Sa pagbabalik-showbiz ni Francis, mukhang sasabak na rin siya sa bold and sexy roles at stepping stone niya ang seryeng “Iskandalo.”
“Yung utak ko parang ready na, pero yung katawan ko parang hindi, hahaha! Parang feeling ko hindi pa matutuwa ‘yung mga makakakita sa akin. I think it will take time for me to reach that kind of artistry. But s’yempre, never say die. Bata pa ako kung iisipin ko talaga. Bata pa career ko. In fact, I think nagsisimula palang ulit ako as an actor in a different stage. So we’ll see,” say ni Francis.
So, hindi pa pala sure ang young actor kung magsi-shift na siya as a bold actor.