Latest News

FRANCINE MAY BAGONG PROJECT, OUT SI ANDREA

NI BETH GELENA

MAY solo project ang young actress na si Francine Diaz via “Bola Bola,” ang new series na mapapanood sa iWantTFC Original.

Tiyak na may masasabi na naman ang.supporters ni Andrea Brillantes sa bagong project ni Francine.

Mismong sa Instagram ng Dreamscape Entertainment ibinahagi ang photos ng “Bola Bola” kung saan makikita ang young actress with her leading men KD Estrada, Ashton Salvador and Akira Morishita.

“Bola Bola is coming soon!” caption ni Sir Deo Endrinal,ang head ng Dreamscape Entertainment.

It’s a romcom project para kay Francine dahil babaguhin ang kanyang personalidad kung saan gagawing 220-pound ang kanyang timbang.

Ang series ay base sa libro ni Anna Geronga at ang magdi-direk ay si JP Habac.

Sa isang panayam, sinabi ni Francine na ang character niya sa “Bola Bola” ay malayo sa una na niyang mga nagawa.

“Maraming puwedeng abangan sa ‘Bola Bola,’ maraming matututunan, good vibes

“Hindi lang siya about love, about sa paghahanap ng kung sino ba ang magmamahal sa kaniya, it’s also about family and friendship,” kuwento ni Francine.

Makakasama rin ni Francine sa series sina Arlene Muhlach, Allan Paule, J-Mee Katanyag, at Vance Larena, ang dapat na role ni Albie Casino bilang kapatid ni Thea (Francine).

Tags:

You May Also Like

Most Read