Latest News

Former That’s Entertainment member… NAUDLOT N APANGARAP ITUTULOY NI SARAH JAVIER

NI GERRY OCAMPO

BALIK sa pagiging singer at pag-arte ang former “That’s Entertainment “ member na si Sarah Javier.

Isa siya sa may angking golden voice sa members ng “That’s” bukod pa sa magandang mukha at katawan ay magaling din umarte noong ‘90s.

Nakasama ni Sarah sa Monday group sa “That`s” sina presidential candidate Isko Moreno at Mark Anthony Fernandez.

Sa ginanap na badminton event ng Philippine Movie Press Club (PMPC) last week, isa si Sarah sa dumalong celebrities.

Inamin niya na naputol ang kanyang showbiz career dahil nabuntis ng kanyang non-showbiz boyfriend na hindi niya pinagsisihan.

Kuwento pa ni Sarah, ang maganda ay hindi siya itinakwil ng mga magulang at sinuportahan pa sa kanyang kalagayan.

“ Sixteen years old ako nu’ng mag-audition sa That’s Entertainment. Pinakanta at pinaarte ako ni Kuya Germs (German Moreno). Tapos ay agad na isinama ako sa Monday group, kasama nina Isko Moreno, Matk Anthony Fernandez and others,” kuwento ni Sarah.

After 25 years, heto at muli siyang nagbabalik para ituloy ang naudlot na pangarap — ang pagkanta at pag-arte.

Hindi naman nabigo si Sarah dahil nagkaroon agad siya ng project na indie film “Nelia” na pinagbidahan ni Winwyn Marquez.

Si Sarah ang kumanta ng theme song ng movie at ngayon ay may dalawang bagong song na ini-record sa kanyang sariling recording studio.

“Iniwan ko ang showbiz noon para gampanan ang tungkulin ko bilang magulang sa aking anak. Ngayon nagawa ko na ang dapat gawin gusto ko naman ituloy ang naudlot kong pangarap na maging singer at aktres,” ayon kay Sarah.

Tags:

You May Also Like

Most Read