Latest News

‘FLOWER OF EVIL’ NINA PIOLO, LOVI MAPAPANOOD SA VIU PH

NI BETH GELENA

SUNUD-SUNOD ang pagpapakita ng teasers ng programa ng Kapamilya network.

Nauna ay ang “Darna: The TV Series” na launching.ni Jane de Leon as a lead actress.

Then ng sumunod na araw ay ang “A Family Affair” kung saan launching din ni Ivana Alawi bilang bida.

Nito lang nakaraang araw ay ipinasilip na ang Pinoy adaptation ng Koreanovela suspense-thriller na “Flower of Evil” starring Lovi Poe and Piolo Pascual.

Matagal na ring nai-shoot ang teleserye na inumpisahan mula ng lumipat si Lovi sa Kapamilya galing sa Kapuso network.

Eto ang kauna-unahang project ni Lovi sa ABS-CBN.

Sa watch party hosted by Bianca Gonzalez, kitang-kita ang mga reaksyon ng cast at crew habang pinapanood nila ang trailer.

Say nga ng lead actor na si Papa P: “The storytelling is different from the Korean version. More than feeling pressured, there’s excitement because we’ve successfully managed to own this story.”

Dagdag ni Lovi: “We created something amazing here. I’m so excited to watch everything we’ve worked for. It’s even made beautiful by the fact that we’ve created a ‘Flower of Evil’ version na may pusong Pinoy.”

Aside sa Kapamilya platforms, ang “Flower of Evil” ay mapapanood din sa Viu Philippines na mostly Kdrama ang mga programang napapanood.

Tags:

You May Also Like

Most Read