Latest News

First time Oscar Best Actor Will Smith inupakan si Chris Rock para ipinagtanggol ang misis

Ni BETH GELENA

SI Will Smith ang itinanghal na Best Actor sa Oscar’s 94th Annual Academy Awards na ginanap sa Dolby Theatre, Los Angeles, California noong Linggo ng gabi.

Winner ang American actor sa pelikulang “King Richard” kug saan ang role niya ay bilang tenacious father nina Serena at Vanessa Williams, ang magkapatid na napakahusay sa tennis.

Sa acceptance speech ni Will Smith sinabi niyang: “Love will make you do crazy things.”

Makahulugan ang speech ni Smith dahil bago i-announce ang kanyang pagkapanalo, may isang hindi inaasahang insidente sa pagitan nila ng isa sa pang presenter, ang komedyanteng si Chris Rock.

Biniro kasi ni Chris ang asawa ni Smith na si Jada Pinkett dahil sa pagiging kalbo ng magaling na aktres.

Sabi ni Chris, puwede sa sequel ng “G.I. Jane” si Jada dahil sa pagkakaroon ng bald head.

Presenter si Chris sa award for Best Documentary, when he made the joke on the appearance of Jada.

Habang nagsasalita si Chris, nag-gesture pa siya kay Jada saka sinabing: “Jada, I love you. GI Jane 2, can’t wait to see you,” which was an apparent reference to the actress’ bald head.

During the joke, Pinkett Smith could be seen in the audience with her husband, rolling her eyes at the comment.

For a while ay natahimik ang loob ng Dolby Theatre at nagkaroon ng confusion dahil sa joke ni Chris.

Dito na tumayo si Smith, galit na umakyat sa stage at walang sabi-sabing inupakan ang comedian actor.

Pagkatapos ma-punch ni Smith si Chris sa mukha, agad din siyang bumalik sa.kinauupuan habang nagsisigaw nang: “Keep my wife’s name out your f***ing mouth!”

Agad namang pina-bleep out ng producer ang audio dahil televised ang awards night.

Humingi ng apology si Smith ng tanggapin na kanyang award.

“I want to apologize to the Academy. I want to apologize to all my fellow nominees” mangiyak-ngiyak na sabi ni Smith sa kanyang acceptance speech.

Pero hindi siya nag-apologize kay Chris Rock.

Na-shock si Chris sa mabilis na pangyayari at nagkomento habang nasa stage: “That was the greatest night in the history of television!”

Ayon The Hollywood Reporter na si Scott Feinberg: “A tearful Smith needed to be ‘pulled aside and comforted’ by Denzel Washington and Tyler Perry during a commercial break.”

Nabanggit na ni Jada sa isang interview sa Billboard last December na nakikipaglaban siya sa sakit na autoimmune disorder alopecia, which can cause hair loss and balding.

Sa ilang beses na nominasyon ni Smith sa Oscars, ngayon lamang niya nakuha Best Actor award, na may kasama pang isang nakakagugulat at hindi inaasahang insidente.

Tags:

You May Also Like

Most Read