Latest News

FILM AMBASSADOR NIGHT NG FDCP IDARAOS SA MET THEATER

NI WALLY PERALTA

SA darating na Feb. 27 ay muling idaraos ang taunang pagbibigay ng parangal sa mga pelikula at personalidad na nagbigay ng level-up performance, as in pwedeng ipanlaban nang sabayan sa international films.

Ngayon taon ay kabilang sina John Arcilla, Vice Ganda, Carrot Man, Janice de Belen, Elijah Canlas, Janine Gutierrez, at Snooky Serna sa mga pararangalan sa 6th Film Ambassadors’ Night o FAN sa Pebrero 27 sa makasaysayang Manila Metropolitan Theater.


Ang kakaiba lang, hindi ito open sa public tulad ng mga nakaraang FAN awards dahilan na rin sa ayaw ng FDCP na magkaroon ng aberya kung kaya masugid nilang sinunod ang health protocol.

Bukod-tanging honorarees lang ang invited sa naturang event.

“It’s another year’s worth of victories with the best of the best Filipino films being recognized around the world, highlighting our cultural heritage in cinema over the years. As we have continued to reach altitudes on the global stage, we applaud each filmmaker who shared his or her talent, creativity, and passion to the world. We created this night to celebrate you,” sabi ni ni FDCP chairperson and CEO Liza Diño.

Ang sumusunod ang partial list ng pararangalan ng FDCP sa iba’t ibang kategorya:


CREATIVE AWARDS
1. Eric Ramos for ‘In The Name Of The Mother’
2. Arlyn de la Cruz Bernal for ECQ Diary ‘Bawal Lumabas’
ACTORS
1. Rogelio Balagtas for ‘Islands’
2. Kit Thompson for ‘Belle Douleur’
3. Elijah Canlas for ‘Kalel,15’
4. Snooky Serna for ‘In The Name Of The Mother’
5. Julio Cesar Sabenorio for ‘Guerrero Dos, Tuloy Ang Laban’
6. Janine Gutierrez for ‘Dito At Doon (Here And There)’

Tags: at Snooky Serna, Carrot Man, Elijah Canlas, Janice de Belen, Janine Gutierrez, John Arcilla, Vice Ganda

You May Also Like

Most Read