NI BETH GELENA
GRABE ang fight scenes ng FPJ’s “Ang Probinsyano” na pinagbibidahan ni Coco Martin “Cardo Dalisay” Martin noong Biyernes gabi.
Matagal na kasing inaabangan ng televiewers ang muling paghaharap nina Richard Gutierrez at ang grupo ng Black Ops na ang lider ay si Geoff Eigenmann.
Tiyak na nakaka-excite ang mga susunod na episodes.
Tulad ng mapatay kaya ni John Estrada alias Armando si Tommy Abuel alias Don Ignacio dahil gustong ipaghiganti ng grupo ni John dahil sa pang-aapi sa kanila bilang mga magsasaka?
Hostage na ni Cardo (Coco) ang pekeng presidente na si Oscar Hidalgo (Rowell Santiago), lilitaw na kaya ang orihinal na presidente?
Tugma rin sa panahon ng halalan ang content ng “Ang Probinsyano“ dahil tumatakbong presidente si First Lady Lorna Tolentino.














