NI BETH GELENA
REMEMBER Serena Dalrymple, ang dating child star noon?
Ang batang kasama ni Carlo.Aquino sa movie “Bata, Bata Paano Ka Ginawa?”
1990s ng napasok sa showbiz si Serena kung saan napansin ang kanyang ka-cute-an sa isang fast-food.commercial.
From then on, maraming proyekto na nagawa ang dating child star — mapa-TV, movies at commercials.
Maagang naulila sa magulang ang dating child star.
Huling napanood si Serena noong 2010 sa.sequel movie ni AiAi delas Alas na “Tanging Ina.”
Isang Scottish-American ang ama niya na noong pumanaw may trust fund na iniwan sa dating child star.
2014 nag-graduate si Serena ng master’s degree ng international busines sa Hult International Business School sa London.
Kamakailan ay nagbigay siya ng update sa kanyang social media account.
Pinost niya ang kanyang boyfriend na na-meet daw niya sa dating app almost four years ago named Thomas.Bredillet.
“4 years ago today, I went out on a date to meet this French dude I matched on Bumble. Who knew that I’ll end up marrying this handsome smart sweet American dude this year?”
Isa si Carlo sa nagkomento ng: “Okey Bumble.”
Sagot ni Serena: “Online dating app success story.”
Pero, nauna rito ay may post na si Serena last July ng larawan nilang dalawa kung saan naka-flaunt ang engagement ring while kissing her boyfriend.
Marami rin ang nag-congratulate sa dating child actress, ang iba nama’y pinaulanan ng sandamakmak na heart emojis ang kanyang post.