Ni BETH GELENA
PROUD na ipinost ni Regine Velasquez sa kanyang TikTok at Instagram accounts ang mamahaling regalo ng asawang si Ogie Alcasid .
Isang expensive at branded Dior bag lang naman ang regalo ng mister sa Asia’s Songbird.
Ang caption ni Regine: “Thank you baba @ogie alcasid thank you also to madel thank you.”
Komento ng netizens: “Iba talaga si kuya Ogs eh I loveyou both so much.”
“Pag hindi ganito mapapangasawa ko di ayaw kuna magasawa HAHAHAHA.”
“Ang gara naman talaga opo, sana all.”
Agad namang umani ng 40,000 views ang uploaded unboxing video ni Regine.