Latest News

Ex-husband ni Ana Jalandoni dating producer ni Kris Aquino

Ni Beth Gelena

SA interview ni King of Talk Boy Abunda ay pinangalanan na ni Ana Jalandoni ang ang kanyang ex-husband.

Ang tinutukoy pala niyang ex-hubby ay ang taga-Nueva Ecija na si Renan Morales, ang naging producer noon ni Kris Aquino sa kanyang GMA-7 TV special titled “Trip Ni Kris” na isa ring politiko.


Kuwento ni Ana, mabilis lang daw ang naging pagsasama nila ng ex-husband kung saan ikinasal sila sa Amerika noong October 2017 at January 2018 ay hiwalay na sila.

Pahapyaw na kuwento ni Ana, hindi ang ex-hubby ang naging dahilan ng pananakit boyfiend na si Kit Thompson sa kanya.

Pero selos daw ang dahilan nang pananakit ng aktor sa kanya.

Nagbibiruan daw sila ni Kit nang diumano’y tutukan daw siya nito ng kutsilyo sa leeg.


“Nagbibiruan kami na, ‘Ikaw? Sino type mo sa mga kaibigan ko?’ tinanong niya ko. Sabi ko, ‘Wala, syempre ikaw lang.’ Ewan ko, suddenly sabi ko sa kanya, ‘Alam mo ‘yung kaibigan mong ‘yun, ‘yung may gusto sa ‘kin, kung ‘di lang kita boyfriend idi-date ko ‘yun.

“It’s a joke, for me it’s a joke kasi nagjo-joke nga kaming dalawa eh.

“Nagulat talaga ako, sabi ko ‘Baba mo ‘yan. Kit, joke lang ‘yon, baba mo ‘yan.’ Tapos binitawan niya. Syempre natakot ako, sobrang natakot ako.

“Pinagpawisan na ako tapos pinipigilan ko ‘yung iyak ko kasi baka mag-freak out siya, kasi mainitin nga ‘yung ulo niya,” kuwento ni Ana.


Naalala rin ni Ana nung sampalin siya ni Kit Ng mag-celebrate ang aktor ng birthday sa Palawan.

Nagalit daw si Kit dahil gusto raw nitong makipag-sex sa kanya, pero hindi siya pumayag dahil pagod nga raw sila.

“Nagagalit na siya. Sabi niya, birthday ko, tutulugan mo lang ako.’ Gusto lang niya makipag-sex that night.

“Sabi niya; ‘ah ayaw mo. Hindi sa ayaw ko. Pagod lang ako. Ang dami nating ginawa sa beach,” balik-alala ni Ana.

Nananatili namang tahimik ang aktor sa mga ini-reveal ni Ana sa King of Talk.

Nauna nang inamin ni Ana na selos Ang dahilan kung bakit siya binugbog ni Kit  noong March 18 sa isang hotel sa Tagaytay.

 

 

Tags: Ana Jalandoni

You May Also Like

Most Read