NI BETH GELENA
Nasa France na ang Island family — Andi Eigenmann at Philmar Ampalayo kasama ang tatlo nilang na sina Ellie, Lilo at Koa — para bisitahin ni Philmar ang dalawa anak sa una niyang partner na si Amanda Bagalciague.
Natutuwa ang international surfer na si Philmar dahil magkasundo sina Andi at Amanda.
Magkasamang naglalakad ang dalawang girlash habang nag-uusap samantalang nasa gitna nila si Ellie.
Si Kanoa ang anak na lalaki ni Philmar sa ex-girlfriend ay kasundong-kasundo ng kapatid na si Lilo.
Sa Instagram ni Andi, masaya niyang ibinahagi ang kanilang masayang bakasyon sa France.
Panay lakad ang ginagawa ng mag-anak habang nag-iikot sa France.
Siyempre pa, ang agad na pinuntahan nila ay ang beach at doon nakita nilang marami ring mahihilig sa surfing.
Dahil beach lover kahit sobrang lamig daw ng tubig ay nakuha pa ring makapaligo ng mag-anak.
May isa pa palang anak na lalaki si Philmar na si Thor Bale kaya lima na lahat ang anak nila ni Andi.