Latest News

EX-BF NI NADINE NA SI JAMES REID NAGSALITA NA TUNGKOL KAY ISSA PRESSMAN

NASALITA na ang dating dyowa ni Nadine Lustre na si James Reid tungkol sa kumakalat sa social media na photo niya with Issa Pressman na magka-holding hands.

Sa isang tweet, sinabi ni James na hindi totoo ang “past rumors” tungkol sa kanya at sa kapatid ni Yassi Pressman.

Matatandaan na noong 2020 pa simasabing si Issa ang third party sa hiwalayan nina James at Nadine.


“I’m only gonna say this once. Yung mga past rumors about Issa ganun lang — rumors,”giit ni James.

Pero ipinaliwanag ni Reid na naramdaman niya ang pangangailangan na magsalita “because this is the start of something beautiful.”


“I usually NEVER address bashers or get involved in hate culture but I feel the need to speak up now because this is the start of something beautiful.

“And I’m not gonna let anyone take that from me. To my fans, all you need to know from me is that I’m the happiest … I’ve ever been,” dagdag pa ng bagong manager ni Liza Soberano.


Ang controversial photo ay in-upload mismo ni Issa sa kanyang Instagram post noong Huwebes.

For his part, nag-post din si James ng clip na magkasama sila ni Issa habang magkasamang nanonood ng Harry Styles’ concert.

Kaya naman agad na nag-react ang netizens ay naging trending na usapan sa Twitter.

Noong 2020, naglabas ng maikling pahayag si Issa sa gitna ng mga paratang na nag-uugnay sa kanya sa break-up nina Nadine at James.

Sa kanyang post sinabi niya noong panahong iyon: “Kung mananatiling tahimik ako, ako ay ‘nagkasala’. Kung panindigan ko ang sarili ko, ‘defensive’ ako. Ang mundo ay humahatol sa alinmang paraan. Ngunit upang tapusin ito dito at ngayon, ang lahat ay 100% MALI. #ThinkBeforeYouClick.”

Ipinagtanggol din ni Yassi ang kanyang kapatid sa gitna ng mga akusasyong siya ang dahilan ng paghihiwalay ng Jadine, ang dating lovetean ng sikat ba showbiz couple.

That time, nagpahayag si Nadine ng kanyang pagmamahal sa magkapatid na Yassi at Issa sa komento sa post ni Yassi, habang si James ay humingi naman ng sorry sa magkapatid dahil sa pagkaladkad sa isyu ni Issa.

Klinaro din ni Nadine na walang kinalaman si Issa sa breakup nila ni James.

Si Nadine ay masaya sa kanyang French businessman-boyfriend na si Christophe Bariou kung saan naka-base sila sa Siargao Island.

Tags: James Reid

You May Also Like

Most Read