Latest News

Erich tahimik na kinasal sa fiancee

NI BETH GELENA

WALANG INGAY na ikinasal si Erich Gonzales sa nobyong businessman na si Mateo Rafael Lorenzo noong Miyerkules sa St. James Church, Ayala, Alabang.

Si Mateo ang sumunod na boyfriend ng Kapamilya aktres nung maghiwalay sila ni Daniel Matsunaga years ago and since then, napanatili ng aktres na private kanyang relasyon with Mateo.

Nabulgar lang na may karelasyon ang aktres nang ipost niyang: “I’m still single but not available.”

May dahilan kung bakit sobrang private na ang kanyang pakikipagrelasyon.

Non-showbiz kasi ang guy at pinangangalagaan din niya ang status nito na ang family belongs to the high society.

Sabi nga ni Erich noon: “I think it’s for the best. I want to protect something so precious to me, something beautiful. I don’t want to ruin it so sa akin na lang iyon.”

Ngayong Mrs. Lorenzo na si Erich, tiyak na mas poprotektahan niya ang family name ng kanyang mister.

Komento naman ng netizens sa kasalang Erich at Mateo:

“Congrats Inday! Pwede ka na magretire sa showbiz.”
“Hindi lahat ng babae na nakapag-asawa ng mayaman gusto tumigil magtrabaho.”
“Unlike you, may mga babae na gusto ng financial independence.”
“Tamad mentality. Erich is masipag lalo yang magwork kasi legit rich ang family ng guy, all of them work, di pwedeng pahiga-higa lng.”
“Women should be independent din financially. Wag naka asa sa asawa na pag iniwan ka nganga na lang. Kaya yung iba hindi maiwan asawa kahit abusive and di na masaya kasi very dependent sila.”
“wowww welcome to alta life, sabi ng mga marites..but erich deserves it naman”
May nag-congratulate sa aktres pero may pagka-bitter lang pang sinabi na mahusay daw siyang pumili ng kanyang future life.
Isang fan ang nagtanggol sa aktres: “Ang unfair ng mga ganitong comment at ganito ang mindset. Kayod kabayo rin si Erich, marami syang ipon at investments. Kung tutuusin, ung asawa nya ang swerte sa kanya dahil madiskarte si misis. Ano mang hirap, hindi nila susukuan kasi may solid core ung wife.”
“Rude comment. So unfair just bcoz nakapag asawa ng rich guy eh un na ung ginusto kya pinakasalan. Uneducated people will comment like this same with comments sa mga nakapag asawa ng foreigners coz of visa and pera daw. Be Marites with a Purpose geez”
“erich already has a secure future with or without the guy. Stop invalidating erich’ hard work just because he married a rich man.”
Ang ibang komento ay hinihintay ang wedding gown ni Erich kung sino ang may gawa at ang mga nasa entourage ng wedding.
“Waiting for the gown reveal. Congrats!”

Tags:

You May Also Like

Most Read