Latest News

Engagement ring itinatago pa ni Pia Wurtzbach

NI BETH GELENA

INI-INTRIGA ang post ng former beauty queen na si Pia Wurtzbach sa kanyang Instagram account kasama ang boyfriend na si Jeremy Jauncey.

Isang netizen ang nagscreenshot ng solong picture ng 2015 Miss Universe at nilagyan niya ng caption na: “Queen P is hiding her left hand/fingers!!!”


May pumuna tuloy ng: “Alam na! Feel ko nag propose na nung mag post sa story si Pia ng ‘Happiest Day Ever’ tapos nag post na naman si Jeremy ng ‘celebration something…’ anyway if it’a true im sooo happy for our Queen.”

KJ naman ang komento ng isang netizen: “Daming arte ng mga pinoy celebs! mga passive aggressive na pagpapapansin!”

Happy naman ang comment ng isang netizen: “Congrats if totoo! If not, then ok. Lol, but may tanong ako, paano magwowork ang ganitong set up if nasa abroad ang work ni guy at Pinas nman c Pia. Marites na marites aketch.”

“Engaged or not, does it really matter anyway? Both are happy naman with each other so let’s give them the spotlight if necessary.”


Comment ng isang netizen na parang hindi type ang beauty ni Miss U: “Pia, nagpapa mysterious ka pa. Obvious na you’re drawing attention to your hand para pag usapan kung engaged ka na! OA mo.”

Tags: Pia Wurtzbach

You May Also Like

Most Read