NI BETH GELENA
Wala nang planong magbalik-showbiz si Ellen Adarna.
Aniya sa isang panayam, “My son is my priority.”
Nage-enjoy daw siya na laging ka-bonding ang anak na si Elias, who is four years old na.
Si Elias ay anak ni Ellen sa actor na si John Lloyd Cruz.
Co-parenting relationship na lang ang namamagitan sa kanilang dalawa.
Paliwanag ni Ellen: “We co-parent. Not naman half of the time, because of course most of the time he’s with me. But in a month, he has 13 days with him. He should have good relationship with him.”
Sabi pa ni Ellen, mahirap ar nakakapagod din daw ang maging isang ina, pero priceless naman daw lalo pa’t nakikita niya ang kakulitan ng anak, happiness daw sa kanya yun dahil in the end ay maglalambing na raw si Elias kapag napagod na.
Binigyan din daw niya ang mister na si Derek Ramsay ng karapatan to do his job as a father.
Tawag nga raw ni Elias sa aktor ay Papa D.
Nag-eenjoy daw ang bagets kapag kasama siya ni Derek sa active lifestyle nito at outdoor games.
Say ng Bisayang aktres: “Hindi ako marunong makipaglaro sa boys. Sana girl para make up and like that. I can only do the nurturing, bathe him, but the playtime, that’s Derek’s job.”
After pinanganak ni Ellen si Elias, inamin niyang nagpalagay siya ng IUD para hindi ba uli magkaanak.
Ngayong may plano na raw sila ni Derek kinakailangang tanggalin para magka-baby na sila ng aktor.
“I have to have it removed during my period. Only when I have my period. Timing, every time I have my period, I’m traveling or there’s work. Parang wala pa. Next month, I have to take care of him or something. Depende sa timing, kung may timing lang talaga patanggal ko na,” ani Ellen.
Plano raw nila na sana ay ngayong taon, pero nagbago ito nang makita nila ang calendar next year.
“He’s a dragon. I am a dragon. And if I give birth in 2024, that’s a dragon. Sa Intsik, wala nang mas suswerte pa if you have three dragons in your house.”
Una nang pinaalis ni Ellen ang kanyang breast implants.
Eksplika niya: “When I had it, I enjoyed it. I was young, I was insecure.”
Ang laki na talaga nang pinagbago ni Ellen magmula nang kinasal siya kay Derek.
Imagine kahit knows niyang maraming mamba-bash sa kanya dahil sa pamemeke niya sa kanyang boobs wala siya care.
Isa kasi sa assets ni Ellen ay ang kanyang boobs na sa pagkakaalam, lalo na ng mga kalalakihan, ay natural kaya ganun na lang siya kung pagpantasyahan noon ng mga ito.
Ngayon ay IUD naman ang ipatatanggal ni Ellen para magkaroon na sila ng anak ni Derek.
Hindi kaya sa ibinulgar ni Ellen, magkaroon ng idea ang young actress na may dyowa na pero not ready magka-baby.
Wala lang… naisip ko lang po na baka magkaroon ng ganitong scenario.
Komento tuloy ng isang netizen: “Ano naman daw kaya ang isusunod na ipapatanggal ni Ellen na naka implant sa kanyang katawan?”














