Latest News

ELLEN, DEREK BULLY SA ISA’T ISA

NI BETH GELENA

KAALIW talaga ang celebrity couple na sina Derek Ramsay at Ellen Adarna.

Hindi sila nagkakapikunan.kahit binu-bully nila ang isa’t isa.

Sa Instagram post ni Derek, pinasalamatan siya ng isang tao na nakasama niya umano sa bahay noong sila ay college pa.

Hindi pinangalanan ng aktor ang taong pinagtanggol umano niya nung atakihin ito ng walo hanggang 10 katao.

Nalaman niyang ayos ngayon ang kalagayan ng taong natulungan niya noon.

Nagkomento tuloy si Ellen sa post ng mister at tinawag na “pittbull” ang mister.

Sumagot naman ni Derek at tinawag niya “bulldog.” ang misis.

Pabiro niyang sinaway ang kanyang maybahay sa pagiging bully umano nito.

Sagot naman ni Ellen: “@ramsayderek07 im your bullylit chihuahua .”

Kinaaliwan g ng netizens sa kulitan ng mag-asawa online.

“Haha! Si @maria.elena.adarna lang nanbu-bully sayo na di mo kayang labanan, or should I say di mo pwedeng labanan hehe.. or else..”

“@maria.elena.adarna if youre both dogs, who bites who?”

“Ang cool ng mag-asawang to, parang walang pikunan sa kanilang dalawa. Stay sweet lovebirds!”

Ini-screenshot naman ng taong natulungan ni Derek ang mensahe nito.

Ayon sa kanya, hindi niya makakalimutan ang ginawa ni Derek para ipagtanggol siya nito sa mga taong may dala umanong hockey sticks.

Say naman ni Derek, masaya siya na malamang ayos naman ang kalagayan ng taong ito na nakilala niya noon.

Sa kabila ng pagiging masaya ng married life ng celebrity couple marami pa rin ang bumabatikos sa kanila.

Deadma naman ang dalawa as long as wala naman silang inaagrabyadong tao.

Tags:

You May Also Like

Most Read