Latest News

ELLA CRUZ SAMPAL ANG INABOT SA CLASSMATE NA BULLY

NI WALLY PERALTA

MASAYANG ibinida ni Ella Cruz ang bagong digital seryeng ginagawa para sa Vivamax, na magsisimula nang mag-stream sa Marso 20, entitled “The Seniors” kung saan ay makakasama niya sina Julia Barretto, Awra Briguela, at Andrea Babierra.

Isang senior student ang papel ni Ella at leader ng kanilang grupo na mga pasaway.


As in mean girl ang kanyang karakter.

Kung sa kanilang digital serye ay mam-bubully si Ella, sa tunay na buhay noong high school days daw niya, siya ang binu-bully.

Kuwento ni Ella, mabuti na lang nag-transfer sila sa Quezon City nu’ng senior year na siya at naiwasan na niya ang classmates na bully.

“Siguro kung magtatanong kayo kung ano po ’yong mga na-bully sa akin, isa is maliit ako. Laos na artista na daw ako. Pag wala akong projects sinasabihan ako ng ganu’n.


“Tapos sinasabi nila nakakapasa lang ako ng grade kasi daw binabayaran ko ’yong mga teachers kahit daw lagi akong absent,” say ni Ella.

Pero ang hindi daw niya malilimutan na pambu-bully na ginawa sa kanya ay nu’ng naging physical na sa kanya ang isang classmate.

“Nagkaroon pa one time na I’m just walking sa hallway po namin tapos biglang kinorner ako nu’ng mga kaklase ko dito tapos bigla nila akong sinampal out of nowhere, na walang reason talaga. Na-experience ko po ’yon,” dagdag pa niya.

Samantala, mayroong na ring Vivamax for Pinoys in Indonesia, Thailand, South Korea, Taiwan, Brunei, Macao, Vietnam, Maldives, Australia, New Zealand, US, and Canada.


Subscription options include P29 (unli-watch all Vivamax titles for three days); P149/month; and P399 for 3 months for bigger savings.

Tags:

You May Also Like

Most Read