Ni BETH GELENA
PinalagAn ng singer na si Elha Nympha ang nagsabing “feeling maganda” siya.
Ayon sa basher nagpagawa umano ng mukha at feeling maganda ang singer.
Biro naman ni Elha, maganda raw siya huwag lang itatabi kay Pia Wurtzbach kasi maganda raw si Pia kaya papangit siya.
Nauna nang nag-tweet ang singer kaugnay na pangit lang daw siya kasi tumabi siya kay Pia. Marami naman sa netizens ang naghayag ng suporta kay Elha matapos ang body shaming na komento ng basher.
Si Elha ay ang grand winner ng “The Voice Kids” noong 2015.