Latest News

EDU, CHERRY PIE WISH MAGKA-BABY GIRL

NI GERRY OCAMPO

GUSTO raw sana nina Edu Manzano at Cherry Pie Picache, kung mabibigyan ng pagkakataon, na magkaroon ng sariling anak.

Sa latest vlog ni Cherry Pie ay guest niya si Edu at sinagot ang mga tanong sa kanila.


Isa nga sa naging tanong ay kung gusto pa nilang magka-baby.

“Who wouldn’t want babies,” mabilis na sagot ni Edu.

Natutuwang sagot naman ni Cherry Pie: “Talaga?”

“Oo naman,” say ni Edu.


“Lalo na ‘ko… I only have one (child),” hirit ni Cherry Pie.

Ang sinasabi ni Cherry Pie ay ang nag-iisa niyang anak na si Nio Tria.

“No, I mean ‘di ba. It would be nice… Siguro ang ganda ng anak natin,” say pa ni Pie kay Edu.

Balik-tanaw ni Edu, pangarap daw talaga niya ay maisayaw ang kanyang anak na babae sa 18th birthday nito.


Hindi raw ito nangyari nung mag-debut ang anak na si Addie.

“Naghanda ako, nagpa-dancing lesson pa ako, tapos biglang sinabi, “Daddy, yung gagastusin na lang sa party, punta na lang kami ng mga kaibigan ko sa Bora, ‘Pinaghandaan ko pa naman ‘to. Pinag-ipunan ko, Pero ang importante, yung kaligayahan niya, hindi yung akin.” kuwento ni Edu.

Sa tanong naman kung hanggang saan ang kaya nilang gawin para sa isa’t isa.

“Of course. I’ll do everything for you. Hindi ako andito para kumpletuhin ang buhay mo as much as medyo kumpleto na. Pero nandidito ako para dagdagan. You know, to add more love, to make you more happy, to make you more productive, to make you more a better person.

“And you know that I’ll always be behind you in everything. So, I hope that I am able to do that and whatever you need,” sagot ni Cherry Pie.

Para naman Kay Edu, dapat daw talaga all the way or no way.

“You know, you really have to give your best, otherwise, what’s the point?” katwiran ni Edu.

Tags:

You May Also Like

Most Read