NI BETH GELENA
NAG-ENROL si Jericho Rosales ng acting course sa New York.
Wala pang katiyakan kung permanente na ang aktor with his wife Kim Jones ss Amerika.
Kaya pala natahimik ang socmed ni Jericho sa kalagitnaan ng pandemya ay tahimik na pala itong lumipad patungong Tate.
Last week of January, naging active ulit ni Echo sa socmed kung saan ang una niyang post ay nasa New York siya at nagihintay kung may daraan na nagtitinda ng taho.
Sinabi rin niyang nasa New York siya at nagbabaka-sakaling matupad ang pangarap niyang maging Hollywood actor.
Back to zero nga raw sila ng misis na si Kim dahil wala silang kasiguraduhang hanapbuhay doon.
Ang tanging dala-dala ni Echo ay ang husay niya sa pag-arte.
Para madagdagan pa ang kaalaman sa kanyang craft, nagpasya siyang mag-enroll sa acting classes doon.
Post ni Echo sa kanyang IG account: “Acting workshops — one of my happy places. This stoke is for everyone! Acting should be taught in schools. Anyway, i made a new friend and had a good walk. #gettingreadytowork.”
Wish ng fans ng aktor na matupad ang kayang pangarap.
“ Wow. I love that he’s trying to improve on hia acting skill.”
“Magaling kana echo pero goodjob willing ka pa iimprove ang sarili mo!”
“iba po kasi atake sa Hollywood. Pansin niyo mostly Southeast Asian male actors madalas umiiyak at de-gripo ang luha sa eksena while sa Hollywood bihira at limited scenes lang kung kelan dapat umiyak. Overly dramatic kasi sa Pinas while sa Hollywood, may leveling ng subtle to over the top.”
“Ito nga rin una kong reaksyon. Ang galing na ni echo umarte pero nakakatuwa na he’s still willing to learn. Learning never stops ika nga.”
“Good move ito kasi more than the skills, which he already has a good set of, this will also potentially get him connected to the right people. I hope he succeeds because he’s a good man.”
“Nice. Respect sa mga actors na willing iimprove pa ang craft nila.”
“Mukhang Hollywood and target ni Echo, wish you the best Echo!”
“Iba talaga kapag passionate ka sa work mo. Gusto mo continuous ang improvement kahit ang galing galing mo na. Good luck Echo!”
Hindi naman nagustuhan ng isang netizen ang larawan na pinost ng actor kung saan nakalabas kanyang dila.
“The effort for self improvement is highly commended. But the sticking out tongue pose is creepy and gross (not to mention he’s too old for this $h**.”
Pero ang sa amin lang, masasabi namin na mannerism na ito ng aktor.
Ilang solo photos na kasi ni Echo ang nakita namin na madalas nakalabas ang dila niya.